Total Pageviews

Sunday, December 26, 2010

PASKO SA AMIN

Masaya ang pasko sa amin. 
Lahat masaya at sama-sama. Tuwing pasko napunta kami sa bahay ng aming lolo at lola para mamasko at para magkasama-sama kaming magpi pinsan.
Walang away at gulo tuwing araw ng pasko. 
Kahit walang handa masaya pa rin. 
Nagsasalo salo kami ng sama sama at masaya, pinapakain namin ang mga taong daraan sa harap ng aming bahay kahit hindi namin kakilala ang mahalaga nagbibigay kami sa espesyal na araw na ito. Maraming bata ang namamasko sa amin talagang madami hahaha kaya binibigyan namin sila ng P2 kada bata. Atleast nagbigay kaysa wala. Talagang masaya ang pasko dito sa amin. 
Sana laging pasko para lagi ko din naaalala si jesus. Dahil siya ang dahilan kung bakit may pasko. Para sa akin ang tunay na diwa ng pasko ay pagbibigyan at pagmamahalan. 

No comments:

Post a Comment